Top 2 Most Wanted Person, Natimbog!

67

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kulungan ang nasa Top 2 most wanted person sa bayan ng Alicia, Isabela.

Nahuli ang akusado na kinilalang si Jade Cesar Vallesteros, 32 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Purok 4, Brgy. Sto Domingo, Alicia, Isabela.


Inaresto si Vallesteros sa bisa ng warrant or arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M. Palce, ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Pansamantalang makakalaya si Vallesteros kung makakapag piyansa ng halagang P80,000.00.

Dinala na sa PNP Alicia ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments