DENR, hinikayat ang mga Pilipino na lumahok sa Earth Hour 2021

Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bawat Pilipino na makiisa sa global Earth Hour movement ngayong araw, March 27.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang mga Pilipino ay maaaring lumahok sa worldwide event sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw at iba pang energy-consuming devices sa loob lamang ng isang oras, mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Ang mga computer, TV sets, air conditioning units at mga appliances at devices na hindi ginagamit ay pwede ring patayin at hugutin ang plug sa saksakan.


Layunin nitong mabawasan ang electrical consumption para mapababa ang carbon footprint at emissions na nagreresulta sa climate change.

Isinusulong ding ng DENR ang paggamit ng renewable energy tulad ng solar technology at paggamit ng LED light bulbs, na mababa ang konsumo sa kuryente kumpara sa incandescent at fluorescent lights.

Ang Earth Hour ay isang taunang environmental movement na inorganisa ng World Wildlife Fund na inilunsad noong 2007 at nasa 7,000 siyudad at 180 bansa ang nakikiisa rito.

Facebook Comments