DENR, hinimok ang mga residente sa Metro Manila na gumamit muna ng sahod ulan

Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga residente sa Metro Manila na magkasya muna na i-recycle ang tubig ulan sa harap ng nararanasang mahabang oras na pagkawala ng suplay ng tubig sa mga siniserbisyuhan ng dalawang water distributors.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, makakatulong ang mga residente kung gagamitin lamang sa lubhang pangangailangan ang available na tubig habang i-recycle muna ang tubig ulan.

Aniya, maaring pakinabangan ang tubig ulan sa paglilinis ng kotse at pambuhos sa kubeta.


Ginawa ng DENR ang pahayag sa harap ng pagbagsak ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa monitoring ng PAGASA-DOST, as of 6AM kanina, mas bumagsak pa sa 160.28 meters ang water level ng naturang dam. Ito ay kung ihahambing sa 160.73 meters na naitala kahapon at 160 meters ang ‘critical low level’ nito.

Facebook Comments