GMA 7 at ABS-CBN nagluluksa sa pagkamatay ni Eddie Garcia

544

Naghatid ng pakikiramay ang GMA 7 at ABS-CBN kaugnay sa pagkamatay ng beteranong aktor at director na si Eddie Garcia.

Kabilang si Manoy sa maraming proyekto tulad ng soap operas at pelikula ng Dos at Siyete.


Ayon sa dalawang top giant network, malaking kawalan si Garcia sa mundo ng showbiz.

Narito ang kabuuan pahayag ng GMA 7:

“Manoy,” as he is fondly called, will be greatly missed by his family, loved ones, co-workers, and fans.

An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who has touched so many lives in the Philippine entertainment industry. He left behind a legacy of professionalism, dedication, and love for his craft.

The Kapuso Network joins his family and the whole entertainment industry in mourning his passing.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng reaksyon ang pamunuan ng GMA 7 tungkol sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa umano’y pagkakapatid at pagbagsak ni Garcia habang nasa taping ng upcoming series na “Rosang Agimat. 

Samantala, sinariwa ng ABS-CBN ang magagandang alaala ni Garcia bilang isang tunay na Kapamilya.

Gumanap bilang kontrabida si Manoy sa “Ang Probinsyano”, top teleserye ng Dos na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“Ang ABS-CBN ay nakikiisa sa buong bayang nagluluksa sa pagyao ng alamat na si Eddie Garcia.”

“Isa po naming karangalan na siya ay naging bahagi ng aming pamilya bilang artista sa telebisyon at pelikula.”

“Nawa’y mabigyan namin ng sapat na pagpupugay ang ala-ala n kaniyang husay at pagiging mabuting tao.”

Pasado alas kuwatro ng hapon, inanunsyo ng Makati Medical Center ang pagyao ni Eddie Garcia matapos ang halos isang linggo pakikibaka sa natamong severe cervical fracture.

Facebook Comments

From Advertisers