DENR, humihingi ng P1.4 billion pondo sa Manila Bay rehab sa 2020

Humihingi ng P1.4 Billion na pondo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Manila Bay Rehabilitation.

 

Sa budget presentation ng DENR, sinabi ni Environment Sec. Roy Cimatu na gagamitin ang pondo para sa pagpapatuloy ng clean up at rehabilitation ng Manila Bay.

 

Ayon naman kay Usec. Mitch Cuna, malaki na ang naging pagbabago ng Manila Bay mula ng simulan ang paglilinis dito noong January 27.


 

Patuloy aniya ang clean-up at water quality monitoring sa Manila Bay kung saan nabawasan na ang mga basurang palutang-lutang sa dagat at bumaba din ang fecal coliform level dito.

 

Bukod sa linggo-linggong paglilinis sa Manila Bay katuwang ang mga organisasyon at iba pang volunteers, nakipag-partner din ang DENR sa mga private sector na siyang mag-a-adopt sa ibang bahagi ng Manila Bay para patuloy ang pangangalaga dito.

 

Patuloy din ang monitoring ng DILG, MMDA, LLDA at DPWH para tiyakin na nag-co-comply sa sewerage treatment ang mga establisyimento na nakatayo malapit sa Manila Bay.

 

Sa 2020, tumaas sa 16% ang pondo ng DENR sa P25.495 Billion mula sa kasalukuyang P21.959 Billion ngayong 2019.

Facebook Comments