DENR, imo-monitor ang pagbabalik operasyon ng Tampakan Copper-Gold project

Tiniyak ni Environment and Natural resources acting Secretary Jim Sampulna na mahigpit na babantayan ng Mines and Geosciences Bureau ang Tampakan Copper-Gold project sa sandaling magbalik operasyon na ito.

Ayon kay Sampulna, ito ay upang maproteksyunan ang kapaligiran at obligasyon ng rehabilitasyon sa South Cotabato.

Kasunod naman ito ng pag-amyenda sa environment code ng South Cotabato partikular ang pag-alis ng open-pit mining ban na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng sangguniang panlalawigan ng South Cotabato noong Mayo a-16.


Aniya, ang pag-alis ng ban ang nagbigay ng hudyat sa Sagittarius Mines Inc. ang proponent ng Tampakan Copper-Gold project na ipagpatuloy ang development ng lugar maging ang commercial extraction ng mina.

Tiniyak naman ni DENR-MGB Director Wilfredo Moncano na may modernong teknolohiya na magagamit para maibsan ang posibleng epekto ng mining operations sa kapaligiran.

Inatasan na rin ng kalihim ang DENR-MGB na bumuo ng multipartite monitoring team na siyang magsasagawa ng quarterly environmental monitoring at audit ng operasyon ng mining company upang matiyak na sumusunod ito sa mga batas sa kapaligiran.

Facebook Comments