Manila, Philippines – Inihayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na wala pang Mining Company ang nakapagbabayad ng multa sa mga nagawang paglabag sa batas pagmimina partikular ang mga environmental damagers sa ilalim ng Duterte Administration.
Sa briefing sa Malacananag ay ipinaliwanag ni Cimatu na walang pang nagbabayad dahil suspended ang 28 mining companies na mayrong nalabag na batas at hindi pa lumalabas ang desisyon dito kaya hindi pa masabi kung magkano ang ibabayad ng mga ito.
Sinabi din ni Cimatu na bago matapos ang taong ito ay inaasahan na matatapos na ang pagaaral kaya inaasahang mapapagmulta na ang mga mining companies.
Facebook Comments