Magtatanim ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga kawayan sa tabing baybayin ng Manila Bay.
Ito’y matapos ang ginawang paglalagay ng dinurog na dolomite sa Manila Bay.
Ayon kay DENR National Capital Region Executive Director Jacqueline Caancan, sinimulan na nila noong October 1, 2020 ang pagkuha ng mga bamboo saplings sa kanilang DENR – Ecosystem Research and Development Bureau sa Los Baños, Laguna.
Planong ilagay ang mga kawayan sa tabing baybayin ng Baseco sa Maynila bilang bahagi pa rin ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Aabot sa 300 bamboo saplings ang unang itatanim sa Baseco, Maynila.
Bukod sa kawayan, aabot sa 100 pa na mga full size beach forest trees ang itatanim ng DENR sa Baseco bago matapos ang taong ito.
Una nang nagtanim ng bakawan o mangrove ang DENR sa Baseco lagoon bilang bahagi ng pagbuhay sa Manila Bay.