DENR, LGU at Megaworld Corporation, kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

Patong-patong na reklamo kabilang ang kasong plunder ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng pamahalaan at ng kumpanyang Megaworld Corporation na dating Megaworld Properties & Holdings Inc.

Nakapaloob sa 18 pahinang reklamo, kinasuhan ni Dr. John Chiong, Chairman ng Task Force KASANAG Inc., ang kasalukuyan at mga dating DENR secretaries, DENR-NCR directors, mga private respondents na si Andrew Tan President and CEO at Chairman of the Board of Directors ng Megaworld Corporation, dating Megaworld Properties & Holdings Inc, George Yang, Vice Chairman of the Board at iba pang Board of Directors ng kumpanya at kasalukuyan at mga dating opisyal ng Quezon City Local Government.

Naniniwala ang complainant na ang pagsikip ng ilog ang isa sa dahilan ng pag-apaw ng tubig baha noong nagdaang mga malalakas na bagyo.


Sa panig ng DENR at Quezon City LGU, inakusahan ito na nagpabaya sa kanilang tungkulin at binigyan ng kapahintulutan ang Megaworld Corporation.

Facebook Comments