Hindi mo ba naabutan ang “community pan-tree” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong nakaraang linggo?
Huwag mangamba dahil muling ilulunsad ng kagawaran ang kanilang special pantry ngayong linggo.
Ang DENR-National Capital Region ay itutuloy ang pamamahagi ng libreng fruit-bearing at vegetable seedlings ngayong araw hanggang sa Huwebes, April 29.
Bukas ang community pan-tree mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa DENR-NCR Technical Services Compound, North Avenue, Diliman, Quezon City.
Pinapayuhan ang mga pupunta na sundin ang health protocols.
Ang bawat indibidwal ay makatatanggap ng limang fruit-bearing tree seedlings at sampung vegetable seedlings.
Ang mga binhi ay mula sa Bureau of Plant Industry.
Hinihikayat din ang publiko na magdala ng sarili nilang paso para sa seedlings.