DENR, muling nanawagan para protektahan ang karagatan para sa food security

Muling nanawagan sa publiko ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na protektahan ang karagatan para sa food security .

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, nakakabahala ang sobrang polusyon ng mga karagatan.

Aniya, ang lumalaking problema sa marine pollution ang isa sa dahilan kung bakit ipinasara ang lahat ng illegally operating open dumpsites sa buong bansa.


Ang pagpapasara sa mga dumpsites ay bahagi rin ng isinasagawang Manila Bay rehabilitation na isa sa prayoridad na programa ng DENR upang mailigtas ang karagatan ng bansa.

Facebook Comments