DENR, muling nanawagan sa tamang pagtatapon ng gamit na face mask

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tamang pagsusuot ng face mask, nagpaalala sa publiko ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa tamang pagtatapon ng mga gamit na face mask upang maiwasan ang panganib ng Coronavirus Disease transmission.

Binigyan-diin ni DENR Secretary Roy Cimatu ang kahalagahan ng responsableng pagtatapon ng COVID-19 litter dahil maaari rin itong maghatid ng panganib sa terrestrial at aquatic animals.

Aniya, bagama’t nagbibigay proteksyon sa tao ang face mask, kapag ito ay naging marine litter ay maaaring makapinsala sa marine life.


Dahil dito, hinimok ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management Benny Antiporda, isang COVID survivor, ang bawat pamilya na tiyakin ang tamang paghihiwalay ng gamit na face masks sa ibang solid wastes upang maprotektahan ang mga garbage collectors at di maulit ang nangyari na kumalat ito sa mga kalsada.

Dagdag ni Antiporda, dapat ding tiyakin ng mga Local Government Unit (LGU) na ihiwalay ang medical wastes sa paghakot pa lamang para sa proper treatment ng mga ito sa sanitary landfills.

Facebook Comments