DENR naabot ang 2019 biodiversity conservation target

Sa kabila ng pagiging abala sa isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay at Boracay Island, nakamit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang target  para mabigyan ng proteksiyon ang mayamang biological diversity ng bansa.

Sa kaniyang year-end report, Sinabi Environment Secretary Roy Cimatu, nakapagsuri sila ng 52 kuweba o mas mataas ng 137 porsiyento sa taunang target na 38.

Sa pamamagitan naman ng Philippine Operation Group on Ivory and Illegal Wildlife, nakakumpiska ang ahensiya ng 72 na iba’t ibang uri ng wildlife species at 15.6 kilograms ng agarwood.


Ang Biodiversity Management Bureau ay nakapag-isyu ng kabuuang 7,926 wildlife permits na lampas ng 197 porsiyento sa target nitong 4,026.

Kabilang sa mga permit na nailabas ng ahensiya ay ang wildlife farm, wildlife local transport, wildlife collector, import, export at re-export permits at ang certificates of wildlife registration.

Ayon sa BMB, ang mataas ng accomplishment ay dahil sa ang pag-isyu ng permit ay demand-driven.

Nitong 2019, ang BMB ay nakapagmintini ng 42 wildlife rescue centers at 384 ecotourism facilities sa buong bansa na kumakatawan sa 89 at 98 porsiyento na accomplishment.

Facebook Comments