Mga ilegal na paputok at iba pang mga pyrotechnic materials, sabay-sabay na sinira sa QC

Quezon City – Pinangunahan ni NCRPO Chief Police Brigadier General Debold Sinas ang pagsira sa aabot sa isandaang libong pisong halaga ng mga illegal na paputok at pyrotechnics.

Gamit ang malalaking drum, isa-isang inilubog ang mga nakumpiskang mga illegal na paputok.

Nasamsam ang mga ito sa sabay- sabay na operasyon ng QCPD, Manila Police District at Eastern Police District.


Kabilang sa mga nakumpiskang paputok ay ang eagle king piccolo, dancing dragon firecrackers, special pla,-pla,Lolo thunder at iba pang katulad na klase ng paputok.

Ayon sa NCRPO chief, ginawa nila ang ceremonial na pagsira sa mga paputok upang hindi na pakinabangan pa.

At upang alisin ang pagdududa ng publiko na babalik sa merkado ang mga kumpiskadong  paputok sa pamamagitan ng mga matiwaling pulis.

Facebook Comments