Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) hinggil sa pagpapakawala ng mga palaka at isda upang puksain ang mga lamok na nagdadala ng dengue.
Ayon sa DENR-BMB, masisira ng mga ito ang ecological balance sa kapaligiran sakaling ilagay ang mga isda at palaka sa stagnant water.
Paliwanag ni DENR-BMB Director Natividad Bernardino, hindi kasali ang mga lamok sa usual diet ng mga palaka.
Ayon pa kay Bernardino, posibleng magdala lamang ng mga panibagong sakit ang mga “invasive species” katulad ng palaka kapag pinakawalan ang mga ito.
Nauna nang nagbabala ang biologist na si Jodi Rowley noong 2016 na hindi epektibo ang naturang istratehiya upang puksain naman ang mga lamok na may dalang Zika virus.
Samantala, batay sa datos ng Department of Health (DOH) as of July 23 ay pumalo na sa 92,343 ang kaso ng dengue sa bansa.