DENR, nagbabala sa mga nagtatapon ng hazardous waste sa pampublikong lugar

Nagbabala si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Solid Waste Management Benny Antiporda na may karampatang parusa ang mga walang pakundangang nagtatapon ng hazardous materials sa pampublikong lugar.

Kasunod ito nang pagkakatapon ng mga gamit nang rapid test kit sa isang kalsada sa lungsod ng Maynila.

Lumilitaw na natapon sa isang pedicab ng isang nangangalakal ng basura ang naturang hazardous materials.


Muling pinaalalahanan ng DENR ang publiko sa tamang pagtatapon ng hazardous waste katulad ng mga gamit nang rapid test kit at facemask.

Sinabi ni Antiporda na ang ganitong klase ng basura at inilalagay sa kulay dilaw na garbage bag.

Sa ganitong paraan ay maiaayos ang sistema ng pagtatapon ng ganitong basura at maiiwasang mapahamak ang mga naghahakot ng basura.

Facebook Comments