Manila, Philippines – Hanggang sa ngayon ay naghahanap pa ng alternatibong lugar ang Department of Environment and Natural Resources para pagtapunan ng mga basura ng Metro Manila.
Ito ang sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu matapos ipasara ang Payatas Landfill at ang landfill sa Navotas.
Ayon kay Cimatu, sobra sobra na ang mga basura sa mga ipinasarang landfill at nakitang delikado na ang mga ito para sa mga scavengers at mga nakatira malapit dito.
Iniiwasan kasi aniya nila na maulit ang pagguho ng basura sa payatas kung saan 300 ang namatay.
Sa ngayon aniya ay sa Rodriguez Rizal itinatapon ang mga basura sa Metro Manila pero hanggang 2022 nalang ito kayat kailangan na nilang makahanap ng bagong lugar na mapagtatapunan ng basura sa susunod na taon.
DENR, naghahanap na ng bagong landfill na maaaring pagtapunan ng basura
Facebook Comments