DENR, naglabas ng bagong AO para sa ‘sustainable na produksiyon ng uling

Naglabas ng Administrative Order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para palawakin ang produksiyon ng wood charcoal upang masuportahan ang kabuhayan ng mga umaasa sa ganitong kalakalan.

Gayunman, kinakailangang makasunod ang mga gumagawa ng uling sa ilang panuntunan upang maging environmentally friendly ang pamamahala sa wood-based fuel.

Sa ilalim ng DENR Administrative Order 2022-05, pinatitiyak nito na ang raw materials na ginagamit sa wood charcoal ay ligal at tama ang pinanggalingan.


Ang charcoal producer ay kinakailangan kumuha ng Wood Charcoal Production Permit (WCPP) na tatlong taong epektibo.

Maaari naman itong ma-renew ng tatlong taon.

Ang renewal application ay kinakailangang maihain 60 araw bago ma-expire ang WCPP.

Pinapayagan din ng AO ang mga indibidwal na gumagawa ng uling na bumuo ng kooperatiba at maisyuhan ng WCPP sa pangalan ng kanilang binuong grupo.

Facebook Comments