DENR, nagluksa sa pagpanaw ni dating DENR Secretary Gina Lopez

42

Nagluksa ang pamunuan ng Department of Environment and Natural Reources (DENR) sa naging pagkawala ni dating DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, si Gina ay tunay na  champion ng kalikasan, walang takot na sampahan ng kaso ang mga maimpluwensiyang mga illegal loggers para maprotektahan lamang ang ating watersheds.


Dagdag pa ng kalihim, si Lopez ay inspirasyon sa karamihan dahil sa patuloy na kampanya nito para mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan.

Ang Filipino Philanthropist at Environmentalist na si Lopez ay pumanaw kahapon ng madaling sa edad na 65 anyos dahil sa multiple organ failure.

Siya ay naging Chairperson ng ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) sa mahabang panahon at dating DENR Secretary.

Facebook Comments

From Advertisers