Dalawang pulis, nagbarilan sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City

381

Iniimbestigahan na ngayon ang naging dahilan ng pag-aaway ng dalawang pulis na nauwi sa barilan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kahapon.

Sa spot report ng National Capital Region Police Office alas-4:41 ng hapon, isang pulis na kinilalang si Police Staff Seargent Charlie Yu, nakatalaga sa Base Police Unit sa Camp Bagong Diwa, ang nagreport sa nangyaring barilan.


Suspek sa pamamaril ang isang Police Master Seargent Samwright Lobhoy, nakatalaga rin sa Base Police Unit.

Habang ang biktima ay kinilalang si Police Major Emerson Palomares na naka-assign din sa Base Police Unit.

Alas 4:40 ng hapon nang mangyari ang putukan sa loob ng Office of the Company Commander ng Camp Bagong Diwa.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot sa Parañaque Doctors Hospital ang nabaril na pulis habang dinis-armahan na ang nakabaril na pulis at nasa kustodiya na ng Taguig City Police Station.

Facebook Comments

From Advertisers