DENR nagpaalala sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang No Segregation, No Collection” policy

Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga local chief executives na mahigpit na ipatupad ang “No Segregation, No Collection” policy sa mga lungsod at munisipalidad upang mabigyan ng solusyon ang lumalaking problema sa basura.

Ayon kay DENR Undersecretary for Enforcement, Solid Waste Management, Local Government Units (LGU) Concerns and Attached Agencies Benny de Leon, dapat ipatuoad ng mga local government units ang Section 24 ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act na nagsasaad ng mga kinakailangan para sa pag-transport ng solid waste.

Ani De Leon, lumilitaw sa mga isinagawang inspeksiyon ng EMB Regional Offices na ang ibang local solid waste collectors at private haulers ay kumukuha pa rin ng magkakahalong basura.


Upang mabigyan ito ng solusyon, pinaalalahan niya ang mga lokal na opisyal na maglaan ng hiwalay na truck para sa pagkolekta ng recyclables, biodegradable, residual at hazardous waste upang maiwasan ang kontaminasyon.

Hinikayat din ang local governments na ipatupad ang color coding ng waste bags. Ang Green para sa biodegradable wastes; Blue para sa recyclables; Black para sa non-recyclables; Red para sa household hazardous wastes o special waste; at Yellow para sa household infectious/COVID-19 wastes.

Facebook Comments