Bilang ng mga bagong overhaul na bagon ng MRT-3, umakyat na sa 55

Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umabot na sa limamput lima ang bilang ng mga bagon na matagumpay na na-overhaul at nai-deploy sa mainline ng tren.

Sa kabuuang 72 bagon ng linya, labing pito na lamang ang kailangangang sumailalim sa general overhauling.

Bahagi ng overhauling ang pagkukumpuni at pagpapalit ng mga depektibo at lumang piyesa ng mga bagon, pagpipintura ng bago sa mga ito, at pagtitiyak na ligtas patakbuhin at sakyan ng mga pasahero.


Samantala, tuloy-tuloy rin ang libreng sakay ng MRT-3 matapos palawigin pa ng pamunuan ang programa ng isang buwan na tatagal hanggang June 30.

Ito ay upang mas marami pang pasahero ang makaranas ng pinabuting serbisyo ng MRT-3, gayundin upang makatulong sa publiko sa kanilang mga gastusin.

Libre ang pamasahe para sa lahat ng mga pasahero sa buong operational hours ng linya mula 4:40AM hanggang 10:10PM.

Facebook Comments