DENR, nagpadala ng team para magsagawa ng assessment sa Siargao Island na matinding hinagupit ng Bagyong Odette

Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na alamin ang sitwasyon at magsagawa ng relief operation sa Siargao Island, Surigao del Norte na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ang kautusan ay ginawa ng kalihim bilang tugon sa ibinigay na instruction sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod dito, nangako rin si Cimatu na magkakaloob sila ng cash assistance sa mga apektadong komunidad at sa mga empleyado ng DENR sa Siargao, Dinagat Islands, Cebu, Bohol, Palawan at iba pang probinsiya na sinalanta ng bagyo.


Gagawa rin ng paraan ang DENR na mailipat ang mga komunidad lalo na ngayong holiday celebrations at kanya ring inatasan ang lahat ng official ng DENR na tumulong at tiyakin ang pagbibigay ng ayuda sa mga sinalanta ng bagyo.

Facebook Comments