DENR, nakapagtala ng mas mababang coliform level sa Manila Bay

Naitala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mas mababang fecal coliform level sa Manila Bay.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, base sa water samples na nakuha noong Pebreo 8 mula sa 21 stations na nakapaligid sa Manila Bay, mas bumaba ang fecal coliform mula sa average na 7.16 million most probable number per 100 milliliters (mpn/100ml) noong 2020 ay naging 4.87 million mpn/100ml ito sa kasalukuyan.

Ayon pa sa kalihim, bumaba ng 523,000 mpn/100ml nitong Pebrero 8 mula sa 2.2 million mpn/100ml noong Enero 4 ang fecal coliform level sa tubig malapit sa beach nourishment project.


Aniya, sa kabila ng mga hadlang dahil na rin sa iba pang obligasyon at ng Coronavirus 2019 pandemic, nagpupursige ang ahensya upang mabigyan ng solusyon ang mga problema sa Manila Bay, partikular na ang water quality.

Target ng DENR chief na maibaba ang fecal coliform ng Manila Bay sa Class SB upang maging ligtas na ito para sa recreational activities at fishing.

Facebook Comments