DENR, namahagi ng PPE at grocery packs sa medical frontliners sa QC

Namahagi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Personal Protective Equipment (PPE) at grocery packs sa mga medical personnel na patuloy na lumalaban sa COVID-19.

Ayon kay DENR Undersecretary for Priority Projects Jonas Leones, nagmula ito sa P218,000 na pinagsamang donasyon ng mga opisyales at empleyado ng DENR.

Kabilang sa nabigyan ng PPE at grocery packs ay ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center at Philippine Children’s Medical Center.


Ang bawat pagamutan ay nabigyan ng 30 sets ng complete overall suit at face shields para sa doctors at nurses, at 30 sets na laboratory suit kabilang pa dito ang pantakip sa ulo at sapatos, bukod pa sa face shield para naman sa support staff.

Una nang nakapagbigay ang DENR ng grocery items na nagkakahalaga ng P300,000 sa 300 low-income families sa Parokya ng Kristong Hari, Parokya ng Mabuting Pastol sa Barangay Commonwealth at Good Shepherd Cathedral sa Barangay Fairview.

Facebook Comments