Nakagalitan ni Senator Cynthia Villar ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagtakalakay sa panukalang P25.3 billion na pondo nito sa 2022.
Ikinadismaya kasi ni Villar na 75 percent ng total budget ng DENR ay inilaan sa personal services at sa maintenance and other operating expenses.
Hindi katanggap-tanggap para kay Villar na 25 percent lamang ng budget ng DENR ang inilaan sa mga proyekto nito na nagbibigay-proteksyon sa kalikasan.
Lalo pang nabwisit si Villar ng mabatid na P1.2 billion lamang ang inilaan ng DENR sa development at management ng 107 protected areas sa bansa na nasa 7.7 milyong ektarya.
Giit ni Villar, dapar i-adjust ito at gawing 50 percent ang pondo para sa mga tauhan at operasyon ng DENR at 50 percent para sa mga proyekto na para sa taumbayan.
Nilinaw naman ni DENR Undersecretary Analiza Teh, 50 percent lang ng kanilang budget ang para sa overhead o gastusin ng DENR.
Ipinaliwanag naman ni DENR Secretary Roy Cimatu na nakapaloob sa kanilang budget para sa capital outlay ang para sa national greening program at one-third nito ang para sa protected areas.