POLO Hong Kong, nagbibigay ng libreng flu vaccine sa OFWs na may edad 50 pataas

45

Nagkakaloob ngayon ng libreng Influenza vaccine ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong para sa mga Pilipino doon na may edad 50 pataas.

Sakop din ng programa ang mga Pinoy na buntis, bata na may edad 12 pababa at ang mga may kapansanan.

Katuwang ng POLO sa nasabing programa ang Department of Health (DOH) ng Hong Kong government.


Ang libreng flu vaccines sa mga Pinoy sa Hong Kong ay nakatakda bukas, October 24 at sa susunod na Linggo sa October 31.

Sa harap ito ng tumataas na bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpopositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong kahit na sila ay fully vaccinated na.

Facebook Comments