DENR, pag-aaralan kung magkakaroon ng multa ang mga maling nagtatapon ng disposable face mask

Pag-aaralan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung papatawan ng multa ang mga lalabag sa hindi tamang pagtapon sa mga disposable face mask.

Ito’y matapos manawagan ang ilang environmental groups sa publiko na gumamit na lang ng mga washable mask kaysa sa surgical mask ngayong may Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nakakasira sa kalikasan ang paggamit ng non-biodegradable o di nabubulok na disposable surgical mask.


Pero sinabi ni DENR Usec.Benny Antiporda, hindi nila pwede diktahan ang mga tao kung anong klaseng face mask ang gagamitin nila.

Binigyang-diin din ng isang public health expert na puwede namang gumamit ng kahit anong face mask basta’t nasusunod ang mga safety health protocol tulad ng physical distancing.

Aniya, mas maganda ring gumamit na ng face shield kahit naka-face mask lalo na kapag bumabiyahe.

Facebook Comments