DENR, palalakasin ang mining sector para mapalago ang ekonomiya

Nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palalakasin ang mining sector upang mapaunlad at mapalago ang ekonomiya.

Ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, natukoy na ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang tinatayang nasa 9 million hectares na potensiyal na mineral areas.

Aniya, mula sa 9 million hectares na potensiyal na mineral areas, mas kaunti pa sa tatlong porsiyento ang nabigyan ng mining contracts.


Aniya, muling pag-aaralan ng DENR ang mining laws kabilang na dito ang tungkol sa small-scale mining upang matiyak na ang mga pamantayan ay ‘updated’.

Sinabi pa ni Leones na sa ilalim ng Mineral Investment Promotion Program, na tutugon ang DENR sa illegal mining partikular na ang small-scale mining operation sa pamamagitan ng assessment at deklarasyon ng Minahang Bayan areas kung saan ilalagay ang small-scale mining.

Aniya, magsasagawa rin ang DENR ng geological survey at mapping upang madagdagan ang geo-scientific at mineral information database maging ang rehabilitation at remediation ng nalalabing 11 abandonadong minahan upang matukoy ang mga maling impormasyon na nagdulot sa hindi magandang pagtingin sa mining industry.

Facebook Comments