Iginiit ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na tutukan ang mandato nito na protektahan ang ating likas na yaman sa halip na magsayang ng oras sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Pahayag ito ni Manuel makaraang mabatid na ang DENR ay kabilang sa 11 mga departamento na pumasok bilang mga bagong miyembro ng NTF-ELCAC ngayong taon.
Hindi rin bumenta kay Manuel ang katwiran na tutulong ang DENR sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno dahil pwede naman aniya itong gawing ng DENR kahit hindi itong maging parte ng NTF-ELCAC.
Diin pa ni Rep. Manuel, mas dapat pangalagaan ng DENR ang environmental advocates natin, kaysa makipagtulungan sa NTF-ELCAC na umano’y siya mismong naglalagay sa panganib sa buhay ng mga nagsusulong sa pangangalaga ng ating kalikasan.