87 sundalo ng 3rd Infantry Division, binigyan ng medalya dahil sa matagumpay na laban kontra sa teroristang komunista

Ginawaran ng medalya ni Visayas Command (VISCOM) Commander Lt. General Benedict Arevalo ang 87 sundalo ng 3rd Infantry “Spearhead” Division ng Philippine Army para sa kanilang matagumpay na kampanyan laban sa mga teroristang komunista sa Panay.

Ang pagpaparangal ay kasabay ng pagbisita kamakalawa ni Lt. Gen. Arevalo sa 301st Infantry Brigade Headquarters sa Camp Hernandez, Dingle, Iloilo.

Walong sundalo ng 31st Division Reconnaissance Company ang ginawaran ng Gold Cross Medal; habang 79 na tauhan mula sa 301st Infantry Brigade, 61st, 82nd, at 12th Infantry Battalions ang nakatanggap ng Silver Cross Medals.


Ang pagbibigay ng medalya ay bilang pagkilala sa malaking kontribusyon ng mga sundalo sa mga socio-economic at iba pang non-combat Programs ng AFP.

Facebook Comments