Pinag-utos na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagsasara ng mga iligal na small scale mining sa Cordillera Automous Region o CAR.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, naglabas na siya ng cease and desist order laban sa mga iligal na small scale warming para maiwasan maulit ulit ang nangyaring landslide sa Itogon, Benguet kung saan 35 na ang nasawi at mahigit sa apatnapu 40 ang nawawala.
Labing isang mga labi na ang nahukay mula sa gumuhong minahan.
Tiniyak naman ni Cimatu na ihahanap nila ng pagkakakitaan ang mga apektadong minero.
Gumuho ang minahan sa Itogon kahapon dahil na rin sa malakas na ulan na dala ng Bagyong Ompong.
Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawi maging sa pagpapalibing sa mga biktima ng landslide.