Mas pinatatag pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang structural integrity ng Manila Bay beach nourishment project.
Ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, dalawang sand-filled geotubes na may diameter na dalawang metro ang inilagay upang maiwasan ang soil erosion.
Aniya, ang paggamit ng geotextile tube ay mas economical kumpara sa tradisyunal na paraan ng paglalagay ng breakwater.
Ipinaliwanag naman ni Manila Bay Operations Head at DENR Assistant Secretary Daniel Darius Nicer na walang tuwirang pruweba na may mahalagang bahagi ng dolomite beach ang inanod base sa beach area at volume measurement.
Sinabi pa ni Nicer na ang umano’y “washing away” ng dolomite sand ay batay lamang sa hinihinalang “discoloration” ng ibang bahagi ng white beach na naobserbahan sa malayong distansiya.
Base sa isinagawang inspeksiyon ng mga eksperto mula sa DENR, nasa 9 hanggang 10 pulgada ng iba’t ibang sediments ang nakita sa ibabaw ng dolomite overlay.