Pinuri ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasabatas ng Extended Producer Responsibility (EPR) Act of 2022
Sa ilalim ng bagong batas, ang mga kompanya ay kinakailangang magtatag ng EPR programs para sa plastic waste reduction, recovery at diversion.
Ayon kay Environmental Management Bureau Director William Cuñado, mandato ng batas na gawing responsable ang mga kompanya para sa kanilang plastic packaging.
Kabilang sa mga plastic packaging na sakop ng EPR Law ay ang single o multi-layered plastics tulad ng sachets, rigid plastic packaging products kagaya ng food at drink containers, single-use plastic bags at polystyrene.
Ang sinumang lalabag sa mga obligasyon sa EPR ay maaaring mapatawan ng multang P5 milyon hanggang P20 milyon.