DENR Region 2, Pinababantayan sa LGU ang Hazard-Prone Areas ngayongTag-ulan

Cauayan City, Isabela- Muling nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lahat ng local government units na bantayan ang hazard-prone areas lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Tinukoy ng DENR ang mga illegal settlers na pilit naninirahan sa hazard-prone areas ng Barangay Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya upang hindi na maulit ang nangyaring landslide sa lugar na kumitil ng maraming buhay noong nakalipas na taon.

Ayon kay DENR Mines and Geosciences Bureau Regional Director for Cagayan Valley Mario Ancheta, malapit na ring matapos ang relocation sites na ipinatayo ng Local Government Units at National Housing Authority para sa mga illegal settlers ng lalawigan.


Matatandaang daan-daang pamilya ang apektado ng pagguho ng lupa sa nabanggit na lugar habang hindi bababa sa 10 ang naitalang casualty sa pagguho ng lupa.

Facebook Comments