Sa naganap na FLGMA holders meeting kahapon, hinikayat ni Director Bambalan ang mga pasture holders ang one livestock per hectare na inirekomenda sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 36 s. 1999 o mas palawakin ang kanilang mga resources sa pamamagitan ng pag-aalaga ng di bababa sa apat na baka para sa bawat ektarya.
Ayon kay Bambalan, hindi lamang ito para dagdagan ang kanilang kita kundi paraan na rin ng kanilang pagsuporta sa layunin na mapataas ang food production at bawasan ang importation activities sa rehiyon.
Sinabi din ni Bambalan sa harap ng 73 FLGMA active holders na ang departamento ay magpapatupad ng mahigpit na monitoring and evaluation sa susunod na taon kung nasunod ba ito.
Dagdag pa niya, ang updated na Comprehensive Development and Management Plan ng mga permittees ay susuriin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng imbentaryo upang masubaybayan kung ang bilang ng kanilang inaalagaang mga hayop ay tumataas bawat taon.
Ayon kay Director Bambalan, batid niyang mahirap ang mag-alaga ng mga hayop ngunit palaging handa ang DENR na tumulong sa kanila.
Hiningi rin nila ang tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Landbank of the Philippines sa pag asiste ng mga FLGMA holders sa ruminant livestock education at funding or loan assistance.
Kaugnay nito, nag commit naman si dating San Mateo, Isabela Mayor Roberto Agcaoili at ang bagong talagang president ng Cagayan Valley Ranchers Association sa pagsunod ng rules and regulations ng FLGMA.
Ayon sa kanya, handa silang sumailalim sa mga trainings upang mas matutunan pa ang livestock industry upang masuportahan ang layunin ng pamahalaan na mapataas ng food production.
Hinikayat din ni Isabela Cattle Raiser Multipurpose Cooperative President Charles Lim ang kanyang mga co-ranchers na mag innovate at mag focus sa livestock management upang makapag produce ng high value cattle.