Manila, Philippines – Hindi naiwasan ni DENR Sec. Gina Lopezna ilabas ang pagkainis kay Executive Secretary Salvador Medialdea dahil saumano’y pagbaliktad nito sa kanyang utos sa pagpapasara sa 23 minahan.
Sa pagdalo sa mining and biodiversity forum, sinabi ni Lopezna pinagbabayad muna niya ng dalawang milyong piso ang mga nasuspending minahanngunit naglabas ng kautusan si Medialdea na kumokontra dito.
Nabatid na inapila ng mga mining company ang order ni Lopezat sa kautusan ni Medialdea, pumayag ang palasyo na ilabas ang stock file atmaibenta ang mga minina.
Reklamo pa ng DENR Secretary – iniupuan din ni Medialdea angmga apila ng kompanya laban sa closure order nito kaya patuloy pa ringnago-operate ang 23 mining company na ipinasara niya.
Nakatakdang idulog ni Lopez ang reklamo kay medialdea sasusunod na cabinet meeting.
Bukod kay Medialdea – nagkaroon na din ng tensyon sapagitan nina Lopez at Finance Sec. Carlos Dominguez at Undersec. Bayani Agabin.
DENR Sec. Gina Lopez at Executive Sec. Salvador Medialdea – nagkakainitan sa isyu ng pagpapasara sa mga minahan
Facebook Comments