DENR Secretary Gina Lopez – bukas sa imbitasyon ng CPP na makibahagi sa peacetalks ng gobyerno at komunistang grupo

Manila, Philippines – Bukas si Environment Secretary Gina Lopez sa imbitasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) na makibahagi sa peace talks ng gobyerno at komunistang grupo.

Kasunod ito ng pahayag ni CPP founder Jose Maria Sison na aniya’y welcome sa kanila ang kagustuhan ng kalihim na makatrabaho ang npa sa mga programa ng DENR sa mga mining community.

Ayon kay Lopez, handa siyang sumali sa peace talks para talakayin ang peace at environmental issues sa bansa.


Handa rin si Lopez na makipag-ugnayan sa AFP dahil aniya, kapayapaan naman ang kapwa hangad ng militar at NPA.

Samantala, gaganapin ang ikalimang round ng usapang pangkapayapaan sa May 22 hanggang June 2 sa The Netherlands.
Nation

Facebook Comments