Abu Sayyaf sub-leader – patay sa panibagong engkwentro sa Bohol; “sightings” ng bandidong grupo sa ilang lugar sa bansa, pinabulaanan ng AFP

Manila, Philippines – Patay sa panibagong engkwentro ng militar sa bayan ng Clarin, Bohol ang Abu Sayyaf sub-leader na si Joselito Melloria.

Sinasabing si Melloria ay isa mga miyembro ng bandidong ASG na nakatakas sa gitna ng joint-operations ng pulis at militar sa Inabanga, Bohol.

Nasawi din sa bakbakan ang dalawang sibilyan na sina Constancio at Crisenta Petalco na umano’y kaanak ni Melloria at kaalyado rin ng mga bandido.


Samantala, pinabulaanan naman ng AFP ang kumakalat na “sightings” diumano ng ASG sa ilang lugar sa bansa matapos ang engkwentro sa Inabanga.

Ayon kay AFP Chief-of-Staff Gen. Eduardo Año – walang dapat ikabahala ang publiko dahil isolated case lamang ang bakbakang nangyari sa Bohol.

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na handa ang buong tropa ng militar.
Nation

Facebook Comments