Manila, PhilippinesNakatakdang sampahan ng kaso ni Atty.Lorna Kapunan sa Office of the Ombudsmanng kasong katiwalian si DENR Secretary Gina Lopez.
Ayon kay Atty. Kapunan mayroon silang mga sapat na hawakna dokumento upang sampahan ng kasong Graft si Lopez kabilang dito ang naungkatsa Confirmation on Appointment hearing sa Senado kahapon kung saan tinukoy doonna tumatanggap umano ng dalawang milyong piso si Lopez para sa Trust Fund.
Paliwanag ni Atty. Kapunan hindi agad inaaksyunan niLopez ang mga reklamong ipinarating ng mga Enviromentalist sa tanggapan ngkalihim bagkus ay kanya itong inuupuan partikular na tinukoy nito angnagpapatuloy pa rin na illegal mining sa ilang lugar sa Zambales at ilanglalawigan sa bahagi ng Mindanao at Visayas.
Pagkatapos ng pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsmanay magsasagawa naman ng press conference sa isang Restaurant sa Quezon Memorial Circle si Atty.Kapunan upang doon ilalatag ang lahat ng mga argumento kung bakit sasampahan ngkasong katiwalian si Lopez.
DENR Secretary Gina Lopez, sasampahan ng kasong katiwalian ng isang abogado sa Ombudsman
Facebook Comments