DENR Secretary Roy Cimatu, nag-sorry dahil sa pagdagsa ng maraming tao sa Dolomite beach nitong weekend.

Humingi ng paumanhin sa publiko si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu dahil sa pagdagsa ng maraming tao sa Dolomite beach sa Manila Bay nitong weekend.

Ayon kay Cimatu, hindi na mauulit ang ganitong pangyayari kasabay ng pangakong mahigpit na nilang ipapatupad ang health protocols sa lugar.

Sinibak din ni Cimatu si Manila Bay Coordinating Office Deputy Executive Director Jacob Meimban Jr. bilang ground commander na aminadong hindi na nakontrol ang pagpasok ng tao sa nasabing pasyalan.


Sa ngayon, pinag-aaralan na ng DENR kung pansamatala na munang isasara sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach.

Ito ay matapos itakda ang pagsasara ng beach mula October 29 hanggang November 3, 2021.

Facebook Comments