Thursday, February 5, 2026

DENR, sinalakay ang isang illegal na minahan sa Angono, Rizal

Sinalakay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang illegal na minahan sa Barangay San Isidro, Angono, Rizal.

Kasunod na rin ito ng isang news report sa isang television program na nagtampok sa umano’y ilegal na pag-quarry sa loob ng Angono, Rizal.

Nakumpiska sa operasyon ang heavy machineries, mga trak, mga mobile crusher, at malalaking bulto ng processed aggregates na nagkakahalaga ng mahigit ₱133-M.

Batay sa isinagawang monitoring at validation ng DENR, ang quarry site ay bahagi ng Village East II Residential Subdivision Project.

Bagama’t mayroong ilang permit ang proyekto, natuklasan ng isinagawang surveillance operations na ilegal ang mineral extraction activities, partikular ang paglalagay ng mobile crushers at paghakot ng quarry materials sa lugar malapit sa dumping area malapit sa Materials Recovery Facility sa kahabaan ng Angono Road sa Barangay Kalayaan.

Inutusan na rin ng EMB Region IV-A ang mga developer ng quarry site na ihinto ang lahat ng aktibidad ng proyekto at isumite ang mga kinakailangang dokumento na magpapatunay na nakasunod sila sa lahat ng mga direktiba at rekomendasyon ng EMB.

Facebook Comments