Tiniyak ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi makakaapekto sa nagpapatuloy na Rehabilitasyon ng Manila Bay ang nangyaring fish kill sa Las Piñas-Parañaque wetland park.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, patuloy ang pangangalap nila ng impormasyon kung gaano kalawak at ang dahilan ng fish kill, na isang protected wetland area.
Nagsagawa na rin ng test ang Environmental Management Bureau-National Capital Region (EMB-NCR) para sa ilang key Water Quality Indicators.
Pinamamadali na niya ang resulta nito upang malaman kung ano ang mga susunod na gagawin nilang hakbang upang hindi na ito makaapekto pa sa iba pang Marine Life sa lugar.
Facebook Comments