DENR, tiniyak na hindi mababahiran ng korapsyon ang Manila Bay rehabilitation fund

Manila, Philippines – Pinawi ng DENR ang pangamba na mabahiran ng korapsyon ang paggastos sa 42.95 billion pesos Manila Bay rehabilitation fund.

Ayon kay Undersecretary Benny Antiporda, hindi naman lump sum o isang bagsakan ang gagawing paggastos sa nabanggit na pondo.

Kahit aniya magtapos na ang termino ng Duterte administration ay magtutuloy-tuloy ang Manila Bay rehabilitation project dahil lumalarga na ang working plan para rito.


Idinagdag ni Antiporda na malaking bahagi ng pondo ay gagastusin naman sa relocation program ng mga informal settlers at hindi sa clean up activity.

Kapag nalinis aniya ang mga estero ay malaking kabawasan ito sa polusyon sa Manila Bay dahil sa pagtatapon ng dumi ng mga residente.

Hindi naman aniya maituturing na anti-poor ang pagpapalis sa mga informal settlers dahil alinsunod naman ito sa mandamus ng Korte Suprema.

Facebook Comments