DENR, tiniyak na masusunod pa rin ang social distancing kapag binuksan na ang Dolomite Beach

Photo Courtesy: DENR Facebook Page

Siniguro ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit pa ring ipatutupad ang social distancing kapag tuluyan nang binuksan sa publiko ang Dolomite Beach.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DENR Secretary Jim Sampulna na kailangan pa ring magsuot ng face mask kung papasyal sa Dolomite Beach at oobserbahan pa rin ang social distancing.

Ayon pa kay Sampulna lilimitahan din nila ang bilang ng mga bisita sa takdang oras sa loob ng Dolomite Beach para hindi magsiksikan o magkumpulan ang mga tao.


Nabatid na nakatakdang muling buksan ang Dolomite Beach pagkatapos ng Semana Santa.

Nais din ng ahensya na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pwede nang maligo sa Dolomite Beach.

Facebook Comments