DENR, tiniyak na may mga eksperto sila na nagpapayo sa mga proyekto na kanilang ipinatutupad gaya ng dolomite sand sa Manila bay

Inihayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na may mga eksperto ang ahensya na gumagabay sa kanila sa mga desisyon na patungo sa mga proyekto na kanilang ipinatutupad.

Sinabi ni Antiporda na pinag-aralang mabuti ang proyekto na paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay.

Ayon kay Antiporda, katulad ng ibang non-government organizations, may sarili rin silang eksperto na kanilang nakokonsulta para isaalang-alang ang aspetong kalusugan at historical sa anumang proyekto.


Sinabi pa ni Antiporda na mismong ang Department of Health ang nagtuwid na ang dolomite material na inilagay sa Manila Bay ay 100 times na mas malaki kaysa sa dust particle na sinasabing mapanganib sa dumaan sa konsultasyon sa kanilang sariling eksperto ang pagtambak ng white sand sa Manila Bay.

Patunay aniya ito na nasa tamang direksyon ang layunin ng ahensya na mas pagandahin pa ang Manila Bay na dating napakarumi dahil sa mga itinambak na basura.

Facebook Comments