DENR, tiwalang matatapos ang natitirang trabaho sa Boracay

Determinado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tapusin ang mga trabaho ng Boracay Inter-agency Task Force (BIATF) bago matapos ang adminstrasyong Duterte.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, sapat na ang pinalawig na termino ng BIATF upang matapos ang pagsasaayos sa Boracay.

Aniya, mas mainam na maplantsa na ang mga nararapat na mekanismo upang hindi masayang ang pinagpaguran sa Boracay lalo pa at nalalapit na ang eleksyon.


Matapos ang isinasagawang paglilinis sa isla, malaki na ang na-improve ng water quality sa mga beach.

Facebook Comments