Pakikilusin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang mga regional offices upang tumulong na maisaayos ang naiipong basura sa mga evacuation centers sa mga apektadong lugar sa pagsabog ng Bulkang Taal.
Pangungunahan din ito ng mga empleyado mula sa DENR central office at tatawagin silang “Task Force Basura”.
Magsasagawa ng “information drive” ang ahensiya sa tamang pagtatapon ng basura sa mga evacuation centers na matatagpuan sa mga probinsiya ng Batangas, Cavite at Laguna.
Kasabay nito, umapela si DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny Antiporda sa publiko na iwasang magbigay sa mga evacuees ng “single-use plastic cups”, plato, kutsara at tinidor dahil maaari pa itong pagmulan ng mga panibagong problema sa kalikasan.
Ani Antiporda, dahil sa nararanasan ng ating mga kababayan na naaapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, ang proper waste management ay hindi na priyoridad.