DENR, umapela sa malinis na pagdaraos ng undas

Manila, Philippines – Umapila si Environment Secretary Roy Cimatu sa publiko na gawing malinis ang mga morial Parks at mga sementeryo sa pagdaraos ng “Undas” sa buong bansa.

sa isang statement, sinabi ng kalihim na hindi lamang sa pagbisita maipapakita ang tunay na pag alaala sa mga namayapa kundi sa pagpapanatiling malinis ng kanilang mga puntod.

Hinikayat niya ang mga magtutungo sa mga sementeryo na magdala ng mga lagayan at ihiwalay ang mga papel, plastic, mga bakal ,lata, babasagin at tirang pagkain.


Mas mainam din aniya na gumamit ng mga banig, woven mats, at foldable na upuan at lamesa sa halip na mga papel at plastic na upuan at hapag kainan .

Ipinaalala din niya sa local government units na agad koektahin ang mga basura at itapon sa mga naitalaga sanitary landfills pagkatapos ng Undas.

Facebook Comments