LTFRB, bukas sa mungkahing kunan ng larawan ang mga pasahero ng Uber at Grab

Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ang pagkuha sa larawan ng mga pasahero ng Uber at Grab kasunod ng pagpatay sa isang Grab model driver.

Ginawa ni Atty. Aileen Lizada ang pahayag matapos dalawin kanina ang burol ni Gerardo Amolato Maquidato sa Immaculate Heart of Mary.

Kasabay nito, inatasan ni Atty. Aileen Lizada ang Metro Manila development Authority na i monitor ang lahat ng CCTV para may magamit na gabay sa pagtukoy sa suspek na nagpanggap na pasahero saka pinatay si Maquidato,


Isusulong ng LTFRB na maibigay sa pamilya ng mga driver ang GPS ng minamanehong sasakyan ng mga partner drivers.

Ayon kay Lizada, huwaran si Maquidato ng mga TNVS driver dahil sa pagsasakay sa mga may sakit at mahihina nang walang bayad.

Facebook Comments